^

Police Metro

Pinagpalit sa ibang lalaki… bading na guro, 29x sinaksak ng lover

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Brutal na pinatay ang isang 37-an­yos na bading na guro ng siya ay saksakin ng 29 ulit ng kanyang 18-anyos na lover na nagalit dahil sa ginawang pag-abandona ng una naganap sa Brgy. Ilaures, Bugasong, Antique.

Ang nasawi ay  kinilalang si John Pagunsan, guro sa Antique National High School na matatagpuan sa bayan ng San Jose ng lalawigan.

Agad nadakip sa follow-up operation ang suspek na kinilalang si Rodney Roquero, isang out of school youth na umano’y  nobyo ng biktima, subalit inabandona matapos na umano’y may ibang mapusuan ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:00 ng umaga kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa bisinidad ng Brgy. Llanes, Bugasong na tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinabi ng pulisya, ang  suspek ay natukoy na siyang nasa likod ng krimen dahilan ito ang huling kasama ng biktima bago maganap ang krimen noong Setyembre 4 ng hapon at bukod dito ay may nakakita na nag­lalaba ito ng duguang t-shirt sa ilog.

Inamin ni Roquero ang krimen at sinabing nagawa niya ito sa ma­tinding galit sa biktima dahil hindi na siya nito sinusustentuhan na uma­no’y may iba ng naiibi­gang lalaki.

vuukle comment

ANTIQUE NATIONAL HIGH SCHOOL

BRGY

BUGASONG

ILAURES

INAMIN

JOHN PAGUNSAN

LLANES

RODNEY ROQUERO

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with