^

Police Metro

Bagong laya na ayaw nang makulong nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas ninais ng isang bagong laya sa kulungan na magbigti na lamang sa halip na muling makulong sa takot na hindi pa siya absuwelto sa kasong robbery.

Ang biktima ay nakilalang si Paul Anthony Macaspac, 27, naninira­han sa Gitna St., Barangay Apolonio Samson, Quezon City na natagpuang nakabigti dakong alas-3:45 ng hapon sa kuwarto ng kanilang bahay.

Inamin naman sa pulisya ng asawa ng biktima na si Sharlene na ang kanyang mister ay isa umanong drug addict at dati ng naaresto sa pagnanakaw.

Gayunman, nitong Huwebes ng hapon, nagsabi umano ang biktima  sa kanyang misis na hindi na niya gustong bumalik sa kulungan sa takot na hindi pa siya absuwelto sa kaso.

Nagpaalam pa ang biktima sa misis na alagaan ang kanilang mga anak anuman ang mangyari.

 

vuukle comment

BARANGAY APOLONIO SAMSON

GAYUNMAN

GITNA ST.

HUWEBES

INAMIN

NAGPAALAM

PAUL ANTHONY MACASPAC

QUEZON CITY

SHARLENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with