^

Police Metro

Estibador pinatay ng pinsan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na estibador ang nasawi makaraang barilin ng kaniyang pinsan na nag-abang sa kaniya sa labas ng bahay nito  sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ruel  Gomba, residente ng Squatters Colony, Road 10, Vitas, Tondo, Maynila.

Agad naman tuma­kas ang suspek na si Ivy Gomba, pinsan ng biktima, 24, vendor at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, ganap na alas-5:00 ng umaga ng barilin ang biktima sa tapat ng kanyang bahay.

Sa imbestigasyon, sinasabing naunang nag-away ang  misis ng biktima at misis ng suspek.

“Nagtalo ang kanilang mga misis dahil sa pagtatapon ng basura na nauwi sa pagsasakitan hanggang sa silang apat na ang magtalo-talo na naawat din at nagkaayos,” ani Tajonera.

Hindi akalain ng mga kamag-anak ng biktima at suspek na ang nasabing away ay mauuwi pa sa patayan dahil pinag-ayos na sila.

Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na suspek.

vuukle comment

GOMBA

ISANG

IVY GOMBA

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NAGSASAGAWA

NAGTALO

SQUATTERS COLONY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with