^

Police Metro

Hindi pinayagang magbakasyon… Jail warden inutas ng tauhan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kamatayan ang na­ging resulta nang hindi pagpayag ng isang jail warden na magbakasyon ang isa niyang tauhan kaya’t binaril siya nito sa kanilang opisina sa Toledo City Jail lalawigan ng Cebu nitong Biyernes ng hapon.

Namatay noon din ang biktimang si Chief Inspector Anaclito Dusaran, 31-anyos, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at binti habang sugatan naman si JO2 Maria Milamid Abella, 34 , nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang tagiliran at likod na isinugod sa South General Hospital sa Naga City, Cebu.

Ang suspek na kusang loob na sumuko sa pulisya ay kinilalang si JO1 Isidore Ramas, 42-anyos.

Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon ay nagwala ang suspek nang hindi aprubahan ni Dusaran ang kaniyang isinumiteng leave of absence.

Ayon sa testimonya sa mga imbestigador ng mga kasamahang jailguard ni Ramas nakaupo umano si Dusaran kausap ang tatlo pang jail officers  sa tabi ng entrance ng Toledo City Jail nang bigla na lamang bunutin ng suspek ang kaniyang cal 9 MM pistol at iumang sa kaniyang opisyal.

Nagawang makatakbo ni Dusaran, pero hinabol at pinaputukan ito sa binti ng suspek saka sa ulo na siya nitong agarang ikinamatay habang nasugatan naman ang isa pang jail officer sa insidente.

Nagsipagkubli naman ang iba pang mga jail guard na nagkataong walang armas sa pangambang barilin rin sila ng naburyong na si Ramas.

Matapos ang insidente ay parang walang anumang umalis si Ramas sakay ng motorsiklo at nagtungo sa Toledo City Police Station at sumurender.

 

vuukle comment

CEBU

CHIEF INSPECTOR ANACLITO DUSARAN

DUSARAN

ISIDORE RAMAS

MARIA MILAMID ABELLA

NAGA CITY

RAMAS

SOUTH GENERAL HOSPITAL

TOLEDO CITY JAIL

TOLEDO CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with