^

Police Metro

20 Babaeng estudyante sinapian

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinapian umano ng masamang espiritu ang may 20 babaeng estudyante ng Isaac Lopez Integrated School sa Barangay Vergara, Madaluyong City kaha­pon kaya’t sinuspinde ang klase sa buong paaralan.

Sa salaysay ni Edith Septimo, Assistant Princi­pal ng paaralan, nagsisigaw, nanlilisik ang mga mata at malalakas ang mga estudyante na nasa grade 8 o second year na pawang nagwawala
ha­­bang sila ay nagkaklase sa loob ng kanilang silid aralan ganap na alas-10:00 ng umaga kahapon.

Isang Pastor Boyet Siongco ang nagtungo sa  lugar at dinasalan ang mga sinapian hanggang sa
unti-unting nahimasmasan, nanlambot at sinabi na hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanila.

Ayon kay Pastor Boyet, posible umanong may na­gambalang espiritu sa ginagawang konstruksiyon sa gym sa paaralan dahil may ilang puno ang naputol ang mga trabahador.

Ayon naman sa isang sinapian na itinago sa pangalan Rona, may nakita umano siyang ba­baeng matangkad na nakaitim na naglakad sa kanilang silid-aralan sa ikaapat na palapag hanggang sa hindi na niya makontrol
ang kanyang sarili at hindi na rin alam ang sumunod na nangyari.

vuukle comment

ASSISTANT PRINCI

AYON

BARANGAY VERGARA

EDITH SEPTIMO

ISAAC LOPEZ INTEGRATED SCHOOL

ISANG PASTOR BOYET SIONGCO

MADALUYONG CITY

PASTOR BOYET

RONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with