^

Police Metro

Presong pulis nang-agaw ng baril, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Napatay ng kanyang mga police escort ang isang pulis na nakulong sa kasong murder at illegal pos­session of hand grenade matapos itong barilin nang mang-agaw ng baril habang isasailalim sana sa physical examination sa Lipa City, Batangas ni­tong Lunes ng hapon.

Ang suspek na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay nakilalang si PO1 James Aaron Sabillo na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:15 ng hapon ay isinakay ang suspek sa police mobile car para isai­lalim sa physical examination nang agawin nito ang baril ng escort nitong si PO2 Raymond Rellin, driver ng mobile car pagsapit sa bisinidad ng Brgy. 7, Lipa City, Batangas.

Nang maramdaman ang panganib ay agad na­mang binaril ng dala­wa pang escort na sina SPO1 Andrew Llanes at PO3 Arthur Barada si PO1 Sabillo sa katawan at kanilang isinugod sa pagamutan, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Magugunita na si PO1 Sabillo ay inaresto noong Hunyo 1 ng taong ito ng Lipa City Police  kaugnay ng kaso nitong murder matapos na makapatay ng isa katao na ikinasugat ng apat na iba pa kaugnay ng kasong pamamaril noong Abril 28, 2013 sa kanilang lugar.

Nang maaresto ay nasamsam sa pag-iingat nito ang granada at pansamantalang nakaditine sa Lipa City Police Station.

Bago ilipat sa Bureau of Jail and Management ang isang preso ay isang re­ki­sitos na isailalim sa physical examination ang mga ito.

vuukle comment

ANDREW LLANES

ARTHUR BARADA

BATANGAS

BUREAU OF JAIL AND MANAGEMENT

JAMES AARON SABILLO

LIPA CITY

LIPA CITY POLICE

LIPA CITY POLICE STATION

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with