^

Police Metro

2 sawi sa pag-ibig, nagbigti iniwan ng kanilang mga nobya…

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi nakayanan ng dalawang lalaki ang pag-iwan sa kanila ng kanilang mga nobya kung kaya’t minabuti ng mga ito na tapusin ang kanilang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti na naganap sa magkahiwalay na lugar sa San Andres, Bukid, Maynila at Pasay City.

Ang unang nagbigti na naganap kahapon ng alas-11:00 ng umaga sa loob ng kanyang bahay sa Radium St., San Andres Bukid, Maynila ay nakilalang si Mark Perong, 22-anyos, vendor Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-7:00 ng gabi na nakikipag-inuman sa kanyang mga barkada at sinabi sa mga ito na hindi matanggap ang pag-iwan sa kanya ng nobya matapos na sila ay magtalo.

Isang text message ang nakita sa cell phone ng biktima na nakasaad ang  â€œkung ano mangyari, sarili ko itong pagbawi sa buhay ko”.

Ganito rin ang nangyari sa biktimang si Felix Pedrozo, 59-anyos ng Putuhan St., Tramo, Pasay City matapos iwanan ng kinakasama dahil sa pagiging sugapa sa iligal na droga at alak.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ng kasamahan nito sa bahay na si Revilun Balansag, ang bangkay ni Pedrozo na nakabigti sa inuupahan nitong silid.

Nabatid na nagkaroon ng matinding away si Pedrozo at ang 58-anyos na kinakasama na si Lourdes Fermeloza noong araw ng Linggo nang umuwi na nasa impluwensya ng alak at iligal na droga ang lalaki.  Nasaktan umano ni Pedrozo ang babae kaya ito lumayas.

vuukle comment

FELIX PEDROZO

LOURDES FERMELOZA

MARK PERONG

MAYNILA

PASAY CITY

PEDROZO

PUTUHAN ST.

RADIUM ST.

REVILUN BALANSAG

SAN ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with