Nicole ibuburol sa iskwelahan

MANILA, Philippines - Bago ihatid sa kanyang huling hantungan ay ibuburol muna ang pitong taong gulang na biktima ng ligaw na bala na si Stephanie Nicole Ella sa kanyang pinapasukang iskwelahan sa Caloocan City sa darating na Biyer­nes, Enero 11.

Hiniling ng principal at mga guro ng Tala Elementary School sa magulang ni Nicole na iburol muna doon ang batang biktima  upang ipakita ang naging epekto ng walang pakundangang pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon.

Ayon sa mga magulang ni Nicole, pansa­mantalang ililipat ang burol sa iskwelahan ng ka­nilang anak.

Pagsapit ng gabi ay da­dalhin ang labi nito sa the Lord’s Flock Sanctuary Church sa Tala at mananatili itong nakaburol ng magdamag bago ili­bing kinabukasan, araw ng Sabado sa Sanctuario de Paz sa Norzagaray, Bulacan.

 

Show comments