^

Police Metro

Napulot na baril pinaglaruan… 8-anyos utas sa 12-anyos na kuya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 8-anyos na batang lalaki ang namatay makaraan na aksidenteng mabaril ito ng kanyang 12-anyos na kuya naganap sa isang liblib na lugar sa Taytay, Palawan, ayon sa naantalang ulat kahapon.

Nasawi noon din ang biktima na si Gian Paulo dela Vega dahil sa isang tama ng bala sa kanyang katawan.

Na-trauma naman ang kapatid nitong 12-anyos na itinago sa pangalang Alexander matapos na mapatay ang kapatid.

Sa report ng Palawan Police, naganap ang insidente sa bahay ng mga biktima sa Sitio Kawakayan, Brgy.Alacalian bandang alas-12:00 ng madaling araw noong Enero 1.

Ayon sa imbestigasyon, aksidenteng nakita ng suspek ang isang improvised na baril na pag-aari ng kanilang kapit­bahay.

Dito ay kanyang iniuwi sa bahay at pinaglaruan at nakalabit ang gatilyo at ang bala ay sumapul sa katawan ng nakababatang kapatid na nasa kanyang harapan.

Matapos ang insidente ay  umalis ng kanilang bahay  ang suspek at umuwi lamang kamakalawa.

Pinag-aaralan ng pulisya kung may pananagutan ang mga magulang ng magkapatid sa kaso.

vuukle comment

ALACALIAN

AYON

BRGY

DITO

ENERO

GIAN PAULO

ISANG

PALAWAN POLICE

SITIO KAWAKAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with