^

Police Metro

Papuntang family reunion… Pamilya, 5 patay sa bangga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa malagim na trahedya ang pagpunta ng li­mang miyembro ng isang pamilya sa isang fa­mily reunion matapos na bu­mangga ang kanilang sinasakyang tricycle sa kasalubong na van kamakalawa sa highway ng Brgy. San Felipe, Tantangan, South Cotabato.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Em-em Amad, 34-an­yos; Johnny Amad, Joyce Amad, 30-anyos; dalawang bata na isang 4-anyos na batang babae at isang 1-anyos na batang lalaki.

Pito naman ang nasu­gatan na lulan rin ng tricy­cle na isinugod sa pa­ga­mutan.

Batay sa ulat, pasado alas-9:00 ng umaga ay lulan ang mga biktima kasama ang iba pang mga kamag-anak  ng tricycle at patungo sa bayan ng Tampakan para dumalo sa reunion.

Pagsapit sa hangganan ng highway ng Purok 3 at 4, Brgy. San Felipe, Tan­tangan, South Cotabato ay nabangga ito ng kasalubong na Mitsubishi Delica Van na minamaneho ni Lorenzo Llaneras, 53-anyos.

Sa lakas nang pagkabangga ay tumilapon ang ibang biktima habang ang iba ay naipit matapos mayu­pi na parang lata ang tricy­cle.

Sa inisyal na imbestigasyon ay masyadong umanong mabilis ang takbo ng tricycle na nagbunsod sa malagim na sakuna.

Arestado naman ng mga nagrespondeng pulisya ang driver ng Mitsubishi na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple frustrated homi­cide.

vuukle comment

AMAD

ARESTADO

BATAY

BRGY

JOYCE AMAD

LORENZO LLANERAS

MITSUBISHI DELICA VAN

SAN FELIPE

SHY

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with