^

Police Metro

Mister binaril sa ulo, utas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang mister makaraang malapitan barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang  biktima na si Vicente Anthony Andreza, 34,  ng Block 34, Lot 123, Pook Libis, Brgy. UP Campus, Diliman, sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Anonas Extension, malapit sa V. Luna, Brgy. Sikatuna Village, dakong alas 6:35 ng gabi.

Sinabi ng saksing si Shirley Forte, habang nakaupo siya sa may tindahan ng napansin niyang may sumusunod sa biktima na isang lalaking nakasuot ng dilaw na t-shirt at itim na short.

Ilang sandali, bigla na lamang binaril ng lalaki ang biktima sa likod ng ulo na siyang dahilan para ito tumimbuwang sa kalsada.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakbo papalayo sa crime scene ang suspek, dala ang baril na ginamit sa krimen.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo ng krimen at upang madakip ang salarin. –with trainee Carmela Isabelle C. Dionisio –

vuukle comment

ANONAS EXTENSION

BRGY

CARMELA ISABELLE C

DILIMAN

DIONISIO

POOK LIBIS

QUEZON CITY

SHIRLEY FORTE

SIKATUNA VILLAGE

VICENTE ANTHONY ANDREZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with