^

Police Metro

Habang nasa terrace ng bahay… Infanta mayor, itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa kilalang suspek na riding-in-tandem ang incumbent Mayor ng Infanta, Panga­sinan habang nagpa­pahangin sa terrace ng kan­yang tahanan, kaha­pon ng hapon.

Kinilala ni Pangasinan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Jose Mariano Luis Verzosa ang biktima na si Mayor Ruperto Martinez, ng bayan ng Infanta na nagtamo ng mga  tama ng bala sa ulo at dibdib na si­yang dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Verzosa na bandang alas-2:40 ng hapon ng mangyari ang insidente sa Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan.

Sinasabing kasaluku­yang nagpapahangin ang Alkalde na nakatayo sa terrace ng kaniyang taha­nan nang huminto sa tapat ng kanyang bahay ang dalawang suspek na motorcycle riding-in-tandem.

Armado ng kalibre 45 baril ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang Alkalde.

Ayon sa report, walang bodyguard si Mayor Martinez nang mangyari ang insidente. Matapos ang krimen ay mabilis na tu­makas ang dalawang sa­la­rin na sakay din ng kanilang motorsiklo.

Nakarekober ang mga imbestigador ang mara­ming basyo ng bala ng kalibre 45 baril sa crime scene.

Sa kasalukuyan ay tatlong anggulo ang masu­sing tinitingnan ng mga imbestigador na posibleng motibo ng krimen, ang  una ay pulitika, pangalawa ay operasyon ng jueteng at pangatlo ay illegal mining sa Pangasinan.

 

vuukle comment

ALKALDE

ARMADO

DIRECTOR P

JOSE MARIANO LUIS VERZOSA

MAYOR MARTINEZ

MAYOR RUPERTO MARTINEZ

PANGASINAN

PANGASINAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with