^

Police Metro

Dalawang sawi sa pag-ibig nagbigti

Cristina Timbang, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagkabigo umano sa pag-ibig ng dala­wang lalaki ang dahilan ng ka­nilang pagbibigti sa magkahiwalay na insidente sa Gen. Trias, Cavite at Tay­tay, Rizal.

Natagpuan ang bikti­ma na si Mark Paul Nocon, 4th year high school student at residente ng Pasong Camachile 1, Gen.Trias, Cavite  na nakapulupot ng kumot sa leeg na isinabit sa bintana dakong alas-9:30 ng gabi.

Isinugod pa ito  sa Gen. Trias Maternity and Pediatric Hospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Bago natagpuang na­kabigti ang biktima ay nag­sulat ito ng salitang “I QUIT” sa kanyang cell phone na pinaniniwalaan na may kinalaman sa pag-ibig ang pagpapakamatay nito.

Ganito rin ang nangyari sa biktimang si Leo Maligaya, 34, binata, resi­dente ng #17B Uranus St.,Tancinco, Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal na natagpuang nakabigti kahapon ng alas-5:00 ng umaga sa loob ng kanyang kuwarto ng kanyang nakatatandang kapatid na si Mary Jane.

Ayon kay Mary Jane, hindi ito ang unang pagtatangka ng kapatid sa
kan­­yang buhay dahil sa pag­kabigo sa pag ibig.

 

vuukle comment

CAVITE

LEO MALIGAYA

MARK PAUL NOCON

MARY JANE

PASONG CAMACHILE

RIZAL

SAN ISIDRO

SHY

TRIAS MATERNITY AND PEDIATRIC HOSPITAL

URANUS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with