^

Police Metro

Anak na dalagita kritikal… Misis tinodas ng rapist

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak at namatay noon din ang isang 37-anyos na ginang habang kritikal ang lagay ng anak nitong dalagita matapos na manlaban sa tangkang pang­hahalay ng isang lalaki na pumasok sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salvacion, Tigaon, Camarines Sur.

Nasawi noon din ang biktimang si Maria Cano, habang nasa kritikal na kalagayan sa ospital ang anak nitong si Camela na sinaksak din ng suspek matapos saklolohan ang ina.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi ay kasalukuyang natutulog ang mag-ina sa kanilang bahay sa nasabing lugar nang pasukin ng suspek na kinilalang si Jerry Collantes, residente ng Brgy. Ocine na sinamantala ang pag-alis sa bahay ng mister ng ginang.

Naalimpungatan ang ginang matapos na pagla­lamasin ng suspek ang maseselang bahagi ng ka­tawan at pilit nitong hinuhubaran ng panty upang halayin kaya nagpumiglas ito at nanlaban.

 Nairita naman ang na­biting suspek at pi­nag­sasaksak ang ginang kung saan tinangka naman ng anak nitong su­maklolo sa ina matapos na magising kaya pinagbalingan rin itong saksakin ng suspek. 

Ang suspek ay mabilis na tumakas at ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAMARINES SUR

CAMELA

INATADO

JERRY COLLANTES

MARIA CANO

NAALIMPUNGATAN

NAIRITA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with