^

Police Metro

Bangkay na inilagay sa compartment ng kotse… Ginang pinatay ng asawa’t anak

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikinagulat ng pulisya na ang suspek sa pagpatay sa isang ginang na ang bangkay ay natagpuang sa  compartment ng pag-aaring Honda Civic kamakailan sa Caloocan City ay ang kanyang mister at anak.

Sinampahan na kamakalawa ng Caloocan City Police ng kasong parricide ang anak ng biktima na si Marilou Jorge, 49 na si  Jorge Jose Jorge Jr., habang obstruction of justice naman ang isinampa sa mister nitong si Jorge Jose Jorge Sr., 52 kapwa nakalalaya at mga residente ng Bravo St., North Matrixville, Camarin ng lungsod.

Magugunita na noong Nobyembre 28 ng kasalukuyang taon ay natagpuan ang bangkay ni Marilou sa compartment ng kanyang Honda Civic (CTF-103) na nakaparada ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay.

Natuklasan lang ang krimen nang umalinga­saw ang bangkay ng bik­tima na naamoy ng mga residente at natunton na nagmumula sa kotse kaya’t binuksan ito at nakita ang bangkay ng ginang at nasa state of decomposition na.

Dalawang kapitbahay ng biktima ang nagsabing nakita nila ang batang Jorge na siyang nagparada ng kotse noong Nobyembre 27, dakong alas-3:00 ng umaga na naging dahilan upang maging pangunahing suspek.

Ayon naman sa ma­tandang Jorge, na iniwan niya ang kanyang asawa at anak sa loob ng kanilang bahay noong Nobyembre 27, 2012 alas-6:00 ng umaga na  kontra sa mga sinasabi ng mga saksi.

Ang obstruction of justice ay isinampa sa ma­tandang Jorge, dahil sa mga mali nitong pahayag sa mga otoridad.

vuukle comment

BRAVO ST.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

HONDA CIVIC

JORGE

JORGE JOSE JORGE JR.

JORGE JOSE JORGE SR.

MARILOU JORGE

NOBYEMBRE

NORTH MATRIXVILLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with