^

PM Sports

Thunderstorm kikilatisin sa Maiden race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Pitong mahuhusay na kabayo ang mag-uunahan hanggang sa meta pagsalang nila sa 3-Year-Old & Above Maiden Race (Placer) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.

Nasa lineup ang kaba­yong Thunderstorm at Alapaap na rerendahan nina RC Tabor at John Allyson Pabilic, ayon sa pagkakasunod sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Ang ibang kasali sa karera na nakalaan ang P15,000 added prize para sa winning horse owner ay ang The Saboteur, Calling Dexter, Courage, Mission Accomplice at Dodiongan Falls na sasakyan ni JL Santiago.

Maugong sa kuwentuhan ng mga karerista sa social media ang Calling Dexter na base sa kanila ay malaki ang tsansa na makasikwat ng panalo kaya asahang magiging kalat ang bentahan pag-arangkada ng nasabing race.

Pasisibatin ang nabanggit na karera sa unang race sa alas-5:30 ng hapon, simula ng tayaan sa winner take all (WTA), forecast, daily double at iba pang klase ng laro.

Samantala, pitong balanseng races ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Miyerkules kaya paniguradong magsasaya ang mga karerista sa ka­nilang paglilibang.  (

THUNDERSTORM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with