Bounce back win ng Celtics
BOSTON — Humataw si Payton Pritchard ng 29 points habang may 16 markers si Baylor Scheierman para igiya ang Celtics sa 112-93 paggupo sa Sacramento Kings.
Nagtala si Neemias Queta ng 10 points at 15 rebounds sa pagbangon ng Boston (30-18) mula sa isang home loss sa Atlanta Hawks noong Miyerkules.
Hindi naglaro si star guard Jaylen Brown dahil sa hamstring tightness at knee contusion.
Umiskor si Zach LaVine ng 17 points para sa pang-walong sunod na kamalasan ng Sacramento (12-38) na nakahugot kay Nique Clifford ng 15 points.
Sa likod ni Pritchard ay nagposte ang Celtics ng 72-46 abante papasok sa third period.
Ang layup ni Scheierman ang nagbigay sa kanila ng 21-point lead sa huling 2:27 minuto ng nasabing yugto.
Tuluyan nang nabaon ang Kings sa 31 points at hindi na nakabangon sa fourth quarter.
Wala sa lineup ng Sacramento sina injured Domantas Sabonis (knee), Keegan Murray (left ankle sprain) at Russell Westbrook (right foot soreness).
Sa iba pang laro, nirapido ng Los Angeles Lakers ang Washington Wizards, 142-111; panalo ang Orlando Magic sa Toronto Raptors, 130-120; tinalo ng New York Knicks angPortland Trail Blazers, 127-97; at wagi ang New Orleans sa Memphis Grizzlies, 114-106.
- Latest
















