Finnegan handa na sa Paris Olympics

MANILA, Philippines — Tila kasado na si Filipino-American Aleah Finnegan para sa Paris Olympics nang masiguro nito ang gintong medalya sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Kasama si Finnegan ng Louisiana State University (LSU) Tigers na nakasi­guro rin ng kampeonato sa team event ng US NCAA.

Tinulungan ni Finne­gan na magkampeon ang Tigers matapos angkinin ang gintong medalya sa women’s floor exercise.

“Tiger nation, you showed up and showed out this whole season. This one is for all of us. Thank you for the tremendous love, support, and prayers that we have received all year long,” ani Finnegan sa kanyang post sa social media.

Nakalikom si Finnegan ng 198.2250 puntos para masiguro ang unang puwesto at talunin ang mga karibal nito mula sa California, Utah at Florida.

Isa si Finnegan sa miyembro ng national gymnastics team na nag­kwalipika sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo sa France.

Kasama ni Finnegan sina world champion Carlos Yulo at Levi Ruivivar sa tangkang makasungkit ng medalya sa Paris Games.

Show comments