Heat tinapos ang 7-game losing skid
MIAMI — Nagsalpak si Jimmy Butler ng 31 points at tinapos ng Heat ang kanilang seven-game losing skid mula sa 115-106 pagdaig sa Sacramento Kings.
Kumonekta si Josh Richardson ng anim na three-points at tumapos na may season-high 24 points para sa Miami (25-23).
Nagdagdag si Bam Adebayo ng 16 points at 11 rebounds, habang may 14 markers si Tyler Herro at may 10 assists si Terry Rozier.
Humakot si Domantas Sabonis ng 19 points, 17 rebounds at 13 assists para sa kanyang ika-13 triple-double sa season sa panig ng Sacramento (27-19).
Umiskor si Keegan Murray ng 33 points, habang may 14 at 13 markers sina Kevin Huerter at De’Aaron Fox, ayon sa pagkakasunod, para sa Kings na nabaon sa 93-106 sa 4:28 minuto ng fourth period.
Sa Houston, tumipa si Jonas Valanciunas ng 25 points, habang may 24 markers si Brandon Ingram sa 110-99 panalo ng New Orleans Pelicans (27-21) sa Rockets (22-25).
Sa Oklahoma City, kumana si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points sa 105-100 paglusot ng Thunder (33-15) sa nagdedepensang Denver Nuggets (33-16).
Sa Washington, nagposte si Kawhi Leonard ng 31 points kasunod ang 25 markers ni James Harden sa 125-109 paglunod ng Los Angeles Clippers (31-15) sa Wizards (9-38).
Sa New York, nagpaputok si Kevin Durant ng 33 points para tulungan ang Phoenix Suns (28-20) sa 136-120 paglampaso sa Brooklyn Nets (19-28).
Sa Minneapolis, nagkadena si Karl-Anthony Towns ng 29 points sa 121-87 pagrapido ng Minnesota Timberwolves (34-14) sa Dallas Mavericks (26-22) na naglaro na wala sina Luka Doncic at Kyrie Irving.
- Latest