^

PM Sports

Al Riyadi sinilat ang Strong Group

Chris Co - Pang-masa
Al Riyadi sinilat ang Strong Group
Al Riyadi Club claimed the title in the Dubai International Basketball Championship.
Photo from Dubai Basketball Championship's Facebook

MANILA, Philippines — Bigo ang Strong Group na masikwat ang korona matapos isuko ang 74-77 desisyon sa defen­ding champion Al Riyadi sa fi­nals ng 33rd Dubai International Basketball Championship kahapon sa Dubai, UAE.

Pinakawalan ni Ismail Abdelmoneim ang buzzer-beating triple upang tulu­yang tuldukan ang paghahabol ng Strong Group.

Nakakuha ng pagkaka­taon ang 6-foot-9 Lebanese-Egyptian mula sa assist ni Lebanese national star Wael Arakji.

Ito ang ikalawang sunod na kampeonato ng Al Riyadi sa naturang torneo.

Ang Al Riyadi rin ang tumalo sa Strong Group sa quarterfinals noong nakaraang taon.

Tinapos ng Strong Group ang torneo sa 7-1.

Hindi naman basta-basta sumuko ang Strong Group.

Nakabangon ito sa 19 puntos sa ikatlong kanto nang maglatag ang Strong Group ng 29-6 bomba pa­ra makuha ang 65-61 bentahe.

Nanguna sa naturang ratsada ng Strong Group sina Andre Roberson, McKenzie Moore, Jordan Heading at dating NBA star Dwight Howard.

Tumabla ang iskor sa 74-74 mula sa tres ni Hea­ding sa huling segundo ng laro.

Subalit isinalpak ni Abdelmoneim ang game-winning triple para makuha ng Lebanese team ang panalo.

Nanguna para sa Strong Group si Roberson nang magtala ito ng 27 points.

vuukle comment

STRONG GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with