^

PM Sports

Focus lang

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Halos limang buwan na lang at ayan na ang Paris Olympics.

Sa isip ng iba, matagal pa ang limang buwan pero sa totoo lang, mabilis lumipas ang panahon. Hindi nga natin namalayan, patapos na ang buwan ng Enero.

Nasa kasagsagan na ng preparasyon ang apat na atletang nag-qualify na sa 2024 Olympic Games na sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnasts Carlos Edriel Yulo at Aleah Finnegan at boxer Eumir Felix Marcial.

Ang iba na nagtatangka ring makapasok sa Paris Olympiad sa pangunguna nina Tokyo Olympic weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz at ang mga silver medalists na sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam, ay naghahanda rin sa mga qualifiers na kanilang lalahukan.

Hindi kailangan ng mga atletang ito ang anumang distraction kasi hindi biro ang ginagawa nilang training sa mga kompetisyong sasalihan.

Medyo nagulat ako sa balitang puwedeng ma-ban ang Pinas sa Paris Olympics dahil sa problema sa World Anti-Do­ping Agency (WADA) pero ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), malapit nang maayos ang problema which is good news.

Actually, puwede pa namang mag-compete ang mga Pinoy athletes pero hindi sa ilalim ng bandila ng Pilipinas.

Matapos na lang sana agad ang problema… para sa mga nagsusumikap na atleta.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with