Biñan sosyo sa liderato sa Nueva Ecija
MANILA, Philippines — Pinatumba ng Biñan Tatak Gel ang Kyusi Pablo Escobets, 92-54, para sumosyo sa liderato ng PSL President’s Cup sa Filoil-EcoOil Centre sa San Juan City.
Bumanat si KG Canaleta ng 15 points para sa Tatak Gel ni multi-titled coach Boyet Fernandez at itarak ang kanilang walong sunod na panalo.
Sinosyohan ng Biñan ang Nueva Ecija sa liderato sa magkatulad nilang 8-0 record.
Nag-ambag sina Joseph Peñaredondo, Kenny Rocacurva at Jimboy Estrada ng tig-10 markers para sa Tatak Gel na nakakuha rin ng solidong laro mula kay many-time PBA All-Defensive Team member Marc Pingris na may 4 points at 15 rebounds.
Nagdomina ang Tatak Gel sa rebounding, 53-39.
May 42 puntos din na nakuha ang Biñan, mas marami ng 22 kontra sa kanilang karibal.
Samantala, tinalo ng 1Munti ang Alpha Omega, 87-81, sa likod ng 27 points at 7 assists ni John Cantimbuhan.
- Latest