^

PM Sports

Expectations vs reality

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Natural lang na mataas ang expectation sa 7-foot-4 top draft pick na si Victor Wembanyama at sa San Antonio Spurs.

Pero sa kasamaang palad nasa ilalim ng standings.

Hindi naman ine-expect na aalagwa kaagad ang San Antonio at maging No. 1 team dahil kay Wembanyama.

Pero siyempre, maraming dismayado na kasama sila sa worst teams.

Habang sinusulat ang kolum na ito, ang Spurs ay may 4 panalo pa lamang at 20 talo kabilang ang 18-game losing streak.

Palaban pa rin si Wembanyama para sa Rookie of the Year award pero kasi kung titingnan ang statistics ng Spurs, sila ang may pinakamasamang numero sa maraming departamento kaya sila nasa kulelat na posisyon sa Western Conference.

Dahil sa kasalukuyang katayuan ng Spurs, nasa punto na ngayon na kinukuwestiyon ang kakayahan ng batikang coach na si Gregg Popovich.

Sinasabing nagde-develop pa lang ng pundasyon ang Spurs.

Tingnan natin.

vuukle comment

VICTOR WEMBANYAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with