Magnolia iiwas mapingasan vs SMBeer

MANILA, Philippines — Magkakasubukan ang sister teams na Magnolia at Meralco sa krusyal na banggaan ng heavy contenders sa 2023 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Aarangkada ang aksyon sa alas-6:15 ng gabi at hangad ng Hotshots (6-0) na mapanatili ang per­pektong kartada nito at mapalakas ang twice-to-beat kahit pa kontra sa kapatid na Beermen (3-2)

Bago iyon, magsasal­pukan muna ang NorthPort (5-2) at Meralco (4-1) sa alas-3 ng hapon upang mapatibay din ang puwesto nila sa Top 4.

Kagaya ng kanilang malinis na kampanya sa PBA On Tour na pre-season para sa Season 48 ng PBA ay pambihira ang performance ng Magnolia ngayon tampok ang anim na sunod na panalo sa pa­ngunguna ng pambatong import na si Tyler Bey.

Sa kabilang banda, nakalasap ang San Miguel na kasama ang solidong reinforcement na si Ivan Aska ng 115-101 pagkatalo kontra sa All-Filipino na NorthPort kahit wala ang import na si Venky Jois.

Hindi nakasama ng Batang Pier ang import na si Jois dahil sa hamstring injury pero naitakas pa rin ang panalo na siyang pinakamalaki para sa import-less team simula 2018 nang talunin ng TNT ang Blackwater 120-101.

Ipaparada ng Meralco ang replacement import na si Zach Lofton nang madale ng achilles injury si Suleiman Bramoh Jr. matapos pumukol ng 38 puntos kontra sa Road Warriors.

Show comments