Tatapusin na ng Mapua!

MANILA, Philippines — Hangad ng Mapua University na tapusin na ang serye sa pagsagupa nito sa San Beda University sa Game 2 ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang muling paghaharap ng Cardinals at Red Lions sa alas-2 ng hapon matapos ang awarding ceremonies ng individual awards sa alas-12:30 ng hapon.

Target ng Cardinals na matuldukan ang mahigit tatlong dekadang pagkauhaw nito sa titulo.

Nakauna ang Mapua matapos kubrahin ang 68-63 panalo laban sa San Beda sa Game 1 ng serye noong Martes.

Bumandera sa natu­rang panalo si Clint Escamis na siyang nanguna sa matikas na ratsada ng Cardinals upang makalapit sa inaasam na kampeonato.

Inaasahang ilalabas na ng Cardinals ang lahat ng matatalim nitong kuko upang makuha ang korona ng liga na huli nitong nahawakan noong 1991 — panahon na naglalaro pa si Mapua head coach Randy Alcantara para sa Cardinals.

Sa kabilang banda, mangunguna para sa Cardinals si Clint Escamis na bumanat ng 18 puntos sa series opener. 

Show comments