Alyssa masaya sa pag-aalaga ng Cool Smashers

MANILA, Philippines — Alaga ng Creamline ang mga players nito partikular na ang mga galing sa injury.

Kaya naman masaya si team captain Alyssa Valdez na prayoridad ng Creamline ang kapakanan ng mga players nito partikular na ang kalusugan na isa sa pinaka importanteng aspeto sa buhay ng isang atleta.

Bibihira masilayan sa aksyon si Valdez na galing sa injury noong nakaraang taon.

Kaya naman nais ng coaching staff na magkaroon ng sapat na pahinga si Valdez dahil inihahanda ito sa mas malalaking laban gaya ng semis.

“Being in a professional league, it’s very important to be healthy all throughout the season. That’s what we’ve learned from the past conferences with Creamline being able to play until the last game,” ani Valdez.

Isa rin ito sa mga dahilan ni Cool Smashers head coach Sherwin Me­neses kaya’t madalang na maglaro si Valdez.

Ngunit sa oras na tu­mun­tong si Valdez sa court, tiyak ang pagputok nito upang tulungan ang Cool  Smashers na makuha ang panalo.

Aminado si Valdez na hindi na ito tulad ng dati noong nasa peak pa ito ng kanyang career.

Show comments