SGA itinakas ang Thunder sa Warriors sa OT

OKLAHOMA CITY — Nagsunog si Shai Gilgeous-Alexander ng 38 points para banderahan ang Thunder sa 138-136 overtime victory kontra sa Golden State Warriors

Nag-ambag si Jalen Williams ng 28 points at may 21 markers si rookie Chet Holmgren para sa ikatlong sunod na panalo ng Oklahoma City (14-7) sa kanilang huling apat na duwelo ng Golden State (10-2) ngayong season.

Iniskor ni Stephen Curry ang 10 sa kanyang 34 points sa overtime habang may 22 markers si Klay Thompson at nagtala si Draymond Green ng 12 points at 13 assists para sa Warriors.

Ipinasok ni Holmgren ang tatlong free throws matapos ma-foul sa 3-point line sa huling 7.7 segundo ng fourth quarter para itabla ang Thunder sa 118-118 patungo sa extra period.

Sa Denver, nagpasabog si Fil-American guard Jalen Green ng 26 points at may 25 markers si Fred VanVleet sa 114-106 pagdaig ng Houston Rockets (10-9) sa nagdedepensang Nuggets (14-9).

Sa Salt Lake City, kumalawit si Kawhi Leonard ng season-high 41 points para bumida sa 117-103 panalo ng Los Angeles Clippers (11-10) sa Utah Jazz (7-15).

Sa Miami, kumolekta si Donovan Mitchell ng 27 points at 13 rebounds sa 111-99 pagpapalamig ng Cleveland Cavaliers (13-9) sa Heat (12-10).

Show comments