Cansino kuntento sa UAAP career

MANILA, Philippines — Bagama’t bigong mag­kampeon sa Season 86 ay kuntento si Univer­sity of the Philippines standout CJ Cansino sa kanyang naging collagia­te career.

Lilisanin ni Cansino ang UAAP na may isang korona at runner-up sa kanyang pangalan.

Bahagi si Cansino ng University of the Philippines na nagkampeon sa Season 84, habang nagtapos lamang ang Fighting Maroons bilang runner-up sa Season 86.

Lumasap ang UP ng 69-73 kabiguan sa Game Three ng best-of-three championship series laban sa De La Salle University noong Miyerkules.

“You guys saw the game earlier, we gave our best but we fell short, that’s life, it’s not for us,” wika ni Cansino.

Ngunit mas nais ni Cansino an maalala na naging parte ito ng Figh­ting Maroons na nag­hari noong Season 84 kung saan tinuldukan ng ka­nilang tropa ang mahigit na tatlong dekadang pagkauhaw ng UP sa titulo.

Bago pumasok sa UP ay naglaro muna si Cansino ng dalawang seasons sa University of Santo To­mas.

Nagpasya itong lumi­pat sa UP matapos ang kon­trobersiyal na Sorso­gon bubble sa kasagsagan ng pandemya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa UP community sa mainit na pagtanggap sa kaniya.

“First of all, me and Malick (Diouf) are than­kful for the UP community’s unwavering support. They love like no other would, win or lose, they support you. So, we’re thankful for our career in UP,” ani Cansino.

Show comments