Quiambao babalik sa Season 87

Kevin Quiambao

MANILA, Philippines — Magbabalik si UAAP Season 86 MVP at Finals MVP Kevin Quiambao sa Dela Salle University susunod na season.

Ito ang isinigaw ng 22-anyos na si Quiambao matapos ang 73-69 pa­na­lo ng Green Archers sa Uni­versity of the Philippines Fighting Maroons sa ‘winner-take-all’ Game Three no­ong Miyerkules.

Nagmula ito sa ugung-ugong na maglalaro ang Gilas Pilipinas forward sa Japan B.League matapos bigyan ng UAAP crown ang La Salle.

“Papunta kasi ako ng Ja­pan ng December 15. Bakasyon lang,” pagtiyak ni Quiambao.

Sa pagdaig ng Green Archers sa Fighting Maroons sa Game Three ay humataw si Quiambao ng 24 points.

Tinapos ng La Salle ang kanilang pitong taon na pagkauhaw sa korona.

Posibleng ang susunod na UAAP Season 87 ang maging huling pagkakataon na maglalaro si Quiambao sa La Salle at sa harap ng mga Pinoy fans.

“For now, pahinga mu­na ko and then in these next few weeks, siguro ma­lalaman niyo kung anong future ko,” ang ma­ta­linhagang pahayag ni Quiambao.

Show comments