Batang Pinoy, PNG inihahanda na ng PSC

MANILA, Philippines — Nagdaos ang Philippine National Anti-Doping Organization (PHINADO) ng isang orientation para sa mga technical directors kahapon sa Athlete’s Lounge sa Rizal Memorial Tennis Court.

Ito ay para sa darating na Philippne Sports Commission-Batang Pinoy at Philippine National Games.

Dumalo sa seminar ang mga kinatawan ng swimming, athletics, cycling, wushu, taekwondo, weightlifting, boxing, kickboxing, karate at judo.

Isinagawa ang semi­nar para makuha ang standards ng World Anti-Doping Agency (WADA) sa pagpapakilala sa do­ping sa national games.

Ito ay pinangunahan ng PHINADO at ni PSC-Batang Pinoy at PNG Pro­­ject Director Dr. Lauro Domingo.

Sabay na idaraops ang Batang Pinoy at PNG sa Disyembre 17-22.

Show comments