Weightlifting pasok sa 2028 Olympics
MANILA, Philippines — Masaya si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na ibinalik ang weightlifting sa 2028 edisyon ng Olympic Games sa Los Angeles, California.
Inihayag ito ng International Olympic Committee (IOC) executive board matapos pansamantalang alisin ang wieghtlifting sa kalendaryo ng LA Olympics dahil sa ilang isyu.
Matapos maplantsa ang ilang gusot, nagpasya ang IOC na ibalik ito sa mga lalaruin sa 2028 Games.
“The IOC EB recommends its inclusion on the LA28 sports program following the decision by the International Weightlifting Federation (IWF) to delegate its anti-doping management to the International Testing Agency (ITA) and its sanctioning to the Court of Arbitration for Sport (CAS) at least until the end of 2028,” ayon sa desisyon ng IOC.
Nabalot ng kontrobesiya ang weightlifting dahil sa ilang kaso ng doping.
Dahil dito, masaya si Diaz na hindi mawawala ang weightlifting sa Olympics — ang sport na nagbigay ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games.
Matatandaang sumungkit si Diaz ng gintong medalya noong Tokyo Olympics.
Muling susubukan ni Diaz na makahirit ng ginto sa Paris Olympics.
- Latest