^

PM Sports

Pilay na puwersa

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Makakabawi o muling masisilat?

Ito ang katanungang hinaharap ng Gilas Pilipinas patungo sa kanilang biyahe sa Cambodia para sa 2023 Southeast Asian Games.

Ito eh, agam-agam ng marami lalo na’t naririnig ang balita na hirap si coach Chot Reyes makabuo ng tamang bilang para sa mga scrimmages, ilang araw na lang bago sumipa ang Cambodia Games.

Ang siste pa, ang mga gaya nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Mikee Williams at Scottie Thompson eh, mukhang hindi makakasama sa biyahe.

Malamang na pilay ang puwersa kahit na nariyan pa naman sana si Justin Brownlee upang pamunuan ang koponan.

At kung hindi makabuo ng magandang lineup, delikado na naman ang pagkatapilok at iyakan sa SEA Games.

Huwag naman sana.

Samantala, nasa rurok na ng training doon sa Australia ang titleholder Indonesia kasama ang kanilang balik-naturalized player na si Lester Prosper sa ilalim ni Serbian coach Milos Pejic.

Hindi sila gagastos ng malaki para sa isang magandang training program kung hindi malalim ang kagustuhang maidepensa ang korona.

Dapat ilagay ito sa isipan ng Team Philippines — kasama ang katotohanang hindi katanggap-tanggap sa mga Pinoy ang matalo sa SEAG basketball.

Matalo na kayo kahit saang laro sa SEAG event, huwag lang sa basketball.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with