^

PM Sports

Jolas: Cinderella man

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Matagal lalasapin ng TNT Tropang Giga ang kanilang PBA Governors’ Cup championship dahil sisipa lamang ang susunod na conference pagkatapos ng FIBA World Cup na nakatakda  sa Aug. 25-Sept. 10.

Marami ang puwedeng mangyari, ngunit ang malaking katanungan eh, ano ang patutunguhan ni Jojo Lastimosa.

Balik-team manager o aani ng full-time coaching job?

Dahil successful sa kanyang unang subok bilang head coach, parang nararapat na hayaang ideretso ang pagtimon sa kanilang koponan.

Kaya nga lamang, paano kung maganda rin ang ipakita ni Chot Reyes sa paghawak sa Gilas Pilipinas sa  darating na SEA Games at FIBA World Cup.

Hindi inangkin ni Lastimosa ang kredito sa kanilang title run. Aminado siyang si Reyes ang bumuo ng koponan, si Reyes ang nagtanim ng sistema, at humalili lamang siya dahil nga magpo-focus muna si Reyes sa Gilas.

Pero dahil sa tagumpay, mayroon ngayong palaisipan ang team management.

Masasabi namang magandang problema — ang pagiging labis sa capable coaches.

Ang tanong nga lamang eh, paano ire-reward ang mga taong ito na nag-deliver.

Pero kahit ano ang kahinatnan, sigurado na si Jolas ng puwesto sa PBA annals.

Latest member siya ng mga coaches na nagkampeon sa unang tournament sa PBA. Sinundan niya sina Ciso Bernardo, Chot Reyes, Eric Altamirano, Ryan Gregorio at Joel Banal.

vuukle comment

PBA GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with