La Salle dadalawahan ang NU sa 2nd round
MANILA, Philippines — Mapanatilng malinis ang rekord ang sasarguhin ng De La Salle University sa pagsagupa sa reigning champion National University sa pagsisimula ng second round ng UAAP Season 85 women’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.
Muling masisilayan ang emkuwentro ang Lady Spikers at Lady Bulldogs ngayong alas-5 ng hapon
Nasa alapaap ang Lady Spikers matapos palugmukin ang Lady Bulldogs sa first round, 25-10, 25-15, 25-21, noong Miyerkules.
Si super rookie Angel Canino ang sinandalan ng Lady Spikers para makumpleto ang 7-0 sweep.
Bumagsak ang Lady Bulldogs sa 5-2 marka.
“We couldn’t stay on cloud nine. I always remind them that if we win in a big game, we should have our feet down on the ground right away,” ani La Salle interim coach Noel Orcullo.
Bukod kay Canino, sinandigan din ng La Salle si middle blocker Fifi Sharma na bumanat ng 12 points.
Ngunit ayaw ng La Salle na magpakampante dahil mahaba pa angbtayahakin nito.
Samantala, maghaharap ang Ateneo de Manila University at University of the East sa alas-9 ng umaga kasunod ang laban ng UST at Adamson sa alas-11 ng umaga at ang duwelo ng Far Eastern University at University of the Philippines sa alas-3 ng hapon.
- Latest