^

PM Sports

Trollano nagpasabog ng 44 pts sa panalo ng NLEX

Russell Cadayona - Pang-masa
Trollano nagpasabog ng 44 pts sa panalo ng NLEX
Nilusutan ni Don Trollano ng NLEX sina Javi Gomez De Liaño at JP Calvo ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nagpaputok si Don Trollano ng career-high na 44 points tampok ang siyam na three-point shots para banderahan ang NLEX sa 142-125 paggiba sa Terrafirma sa 2023 PBA Go­vernors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Road Warriors ang nagtaas sa kanilang record sa 7-3 papalapit sa isa sa apat na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

“Siguro kailangan talaga naming manalo eh,” wika ni Trollano. “Crucial iyong game na ito, for us trying to get to the top four para sa twice-to-beat.”

Nagdagdag si import Wayne Selden Jr. ng 38 markers kasama ang anim na triples habang may 19 at 15 points sina Brandon Ganuelas-Rosser at Kevin Alas, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang pang-limang dikit na kamalasan ng Dyip, nakahugot kay Juami Tiongson ng 38 points kasama ang anim na tres, na naghulog sa kanila sa 2-7.

Matapos ang jumper ni Aldrech Ramos na nagdikit sa Terrafirma sa 42-44 sa 6:23 minuto ng second period ay nagpakawala ang NLEX ng isang 22-7 atake para ilista ang 66-49 abante sa halftime.

Isinara ng NLEX ang third period sa 110-87 bago tuluyang ibaon ang Terrafirma sa 131-105 sa huling 4:39 minuto mula sa pang siyam na triple ni Trollano.

vuukle comment

NLEX

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with