Brownlee sesentro na sa Gilas Pilipinas
MANILA, Philippines — May bagong misyon si Barangay Ginebra import Justin Brownlee dahil haharap ito sa panibagong pagsubok sa kanyang basketball career.
Tututukan naman ni Brownlee ang pagiging naturalized player ng Gilas Pilipinas sa mga international competitions.
Sariwa pa si Brownlee sa pagtulong sa Gin Kings para makopo ang korona ng PBA Commissioner’s Cup noong Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sabik na si Brownlee sa bagong misyon nito.
At naniniwala si Gin Kings head coach Tim Cone na perpekto si Brownlee sa sistema ng Gilas Pilipinas.
“The journey is still ongoing for Justin. It’s still not the end for him. He’s gonna be at a whole new level of play because he’ll play for the national team, and I know he’s so excited about that,” ani Cone.
Alam ni Brownlee ang magiging role nito sa Gilas Pilipinas.
Si Brownlee ang magiging kahalili ni Utah Jazz star at 2021 NBA Sixth Man of the Year Jordan Clarkson.
Sa mga FIBA events, itinuturing na naturalized player si Clarkson.
“If Jordan is not available, he’ll most likely be the guy (to play as naturalized player) so he is honored with the opportunity to play for the national team,” ani Cone.
Masaya si Brownlee na masusuot na nito ang Gilas Pilipinas jersey sa mga international competitions.
Unang sasalang si Brownlee sa sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero na gaganapin din sa Philippine Arena kung saan makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Lebanese at Jordanians.
Inaasahang sasabak din si Brownlee kasama ang national men’s basketball team sa Southeast Asian Games sa Cambodia na gaganapin sa Mayo.
Pakay ng Pinoy squad na mabawi ang korona sa SEA Games.
- Latest