Lady Bulldogs sinelyuhan ang top spot sa quarters
MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng National University ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-17, 25-7, 25-17, para masiguro ang top seeding sa quarterfinals ng Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.
Wala pa ring bahid ang rekord ng Lady Bulldogs para matamis na tapusin ang kampanya nito sa Pool E hawak ang 3-0 marka.
Sasagupain ng Lady Bulldogs ang No. 4 seed sa Pool F sa knockout quarterfinal phase na papalo ngayong araw.
Nagpakawala ang Lady Bulldogs ng 29 aces tampok ang 10 mula kay Minierva Maaya.
Nagtala si Maaya ng kabuuang 15 puntos para pamunuan ang Lady Bulldogs.
Umariba ng 42 attacks ang Lady Bulldogs habang nalimitahan sa 15 attacks ang Lady Altas.
Nanguna para sa Perpetual Help si Shaila Omipon tangan ang 11 puntos.
Walang naipanalo ang Lady Altas (0-3) sa Pool E kung saan makakaharap nito sa quarterfinals ang De La Salle University
- Latest