^

PM Sports

Lady Bombers nilapa ng Lady Bulldogs

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilatag ng National University malakas na puwersa para patumbahin ang Jose Rizal University, 25-14, 25-6, 25-12, sa Sha­key’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Mani­la.

Nanguna sa atake ng Lady Bulldogs si team captain Princess Robles na humataw ng 11 points para sa pambuenamanong panalo ng kanilang tropa sa Pool C.

“We are still far from our competitive form but at it is a good thing we’re now back to our usual grind,” sabi ni coach Karl Di­maculangan.

Nag-ambag si Minierva Maaya ng 10 markers, habang gumawa si rookie Vangie Alinsug ng pitong attacks at isang ace para sa NU.

Naglatag ng maagang 10-1 atake ang Lady Bulldogs ngunit nakahabol ang Lady Bombers at du­mikit sa 13-15.

Agad na nagising ang NU nang magpasabog ng malulupit na atake si­na Robles, Maaya at Alinsug.

Laglag ang Jose Rizal sa ikalawang sunod na kabiguan.

Nagkasya sina Sydney Niegos at May Ruiz sa tig-anim na puntos.

Samantala, nanaig ang De La Salle University sa reigning NCAA champion na College of St. Benilde, 22-25, 25-22, 25-22, 25-19, para makalapit sa tiket sa susunodn sa round.

Nagtulong sina Jolina Dela Cruz, Thea Gagate at Leila Cruz na may 13 points para sa panalo ng La­dy Spikers.

vuukle comment

LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with