^

PM Sports

Tropang Giga kampeon sa 1st leg

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinakas ng TNT Tropang Giga ang 21-19 overtime win laban sa Me­ralco para pagharian ang first leg ng PBA 3x3 Season 2 First Conference kahapon sa Robinsons Place Antipolo.

Umiskor si Almond Vo­sotros ng 9 points, ha­bang may 8 at tig-2 mar­kers sina Ping Exciminiano, Lervin Flores at Samboy de Leon, ayon sa pagkakasunod.

Ibinulsa ng Tropang Giga ang premyong P100,000 at nakuntento ang Bolts sa P50,000.

Ito ang pang-anim na leg title ng TNT simula noong Season 1.

Tumipa sina Tonino Gonzaga at Alfred Batino ng tig-6 points sa panig ng Meralco.

Bumangon ang Bolts mula sa 15-19 agwat para kumpletuhin ang pagpuwersa ng overtime, 19-19.

Kumonekta naman ng layup si De Leon sa extra period para sa 20-19 bentahe ng Tropang Giga.

Ang pasa ni Vosotros kay Exciminiano ang nagresulta sa game-winning drive nito.

Samantala, tinalo naman ng Platinum Karao­ke ang baguhang J&T Ex­press, 12-10, para sa third place.

 

vuukle comment

TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with