^

PM Sports

SMB babangon para makalapit sa titulo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang pagbangon sa kabiguan para makalapit sa pagkopo sa korona ang gagawin ng San Miguel sa pagsagupa sa nagdedepensang TNT Tropang Giga sa Game Five ng 2022 PBA Philippine Cup Finals.

Nagtabla sa 2-2 sa kanilang best-of-seven championship series, lalabanan ng Beermen ang Tropang Giga ngayong alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng TNT ang dalawang sunod na ratsada ng SMB sa serye matapos agawin ang 100-87 panalo sa Game Four sa pagbabalik ni coach Chot Reyes.

“Na-reduce iyong series sa best-of-three,” ani six-time PBA MVP June Mar Fajardo na nakamit ang Best Player of the Conference award sa gabi ng kabiguan ng Beermen. “Kailangang maka-bounce back kami next game.”

Dalawang beses nagtayo ang Tropang Giga ng 18-point lead sa Game Four para wakasan ang kanilang kamalasan sa serye.

“Effort, energy,” wika ni San Miguel scoring guard CJ Perez. “Kung paano namin tapatan iyong energy nila. And kailangan namin ma-lessen iyong turnovers din.”

May 15 turnovers ang Beermen, habang nagtala ang Tropang Giga ng all-time PBA record na tatlong turnovers.

Huling nagkampeon ang SMB sa All-Filipino tournament noong 2019 bago pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) sa sumunod na taon.

Hangad naman ng TNT na muling pagharian ang komperensya matapos talunin ang Magnolia sa kanilang titular showdown.

vuukle comment

TNT TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with