^

PM Sports

PVL semis papalo na!

Chris Co - Pang-masa
PVL semis papalo na!
Si Mika Reyes ang inaasahang babandera sa kampanya ng PLDT laban sa Army sa kanilang semis wars ngayon.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Magsisimula ngayong araw ang mainit na bakbakan sa semis tampok ang unang laro sa pagitan ng PLDT at Philippine Army sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nagkaroon ng ilang araw na pahinga ang mga players kaya’t asahan ang matinding paluan ng High Speed Hitters at Lady Troopers sa nag-iisang laro sa alas-4 ng hapon.

Pakay ng PLDT at Army na makuha ang importanteng unang panalo sa semis.

Pangunahing sasandalan ng PLDT si middle blocker Mika Reyes na isa sa mga top blockers ng liga.

Makakasama nito sa ratsada sina Fiola Ceballos, Jules Samonte, Chin Basas at Dell Palomata.

Sa kabilang banda, malalim din ang lineup ng Lady Troopers na binubuo ng mga beteranong players sa pangunguna ni national team beach volley mainstay Jovelyn Gonzaga.

Nariyan pa sina Honey Royse Tubino, Jeanette Villareal, Mary Anne Esguerra, Joanne Bunag at Mary Jean Balse na maasahan din sa pagbibigay ng puntos sa kanilang tropa gayundin si playmaker Ivy Perez na bukod sa setting ay kaya rin makagawa ng mga atake.

Pasok din sa semis ang PLDT at Army kasama ang reigning Open Conference champion Creamline at Cignal.

Makakasama ng apat na local teams ang foreign squads na Kobe Shinwa ng Japan at King Whale ng Chinese-Taipei.

Importante ang mga laro sa semis dahil ipatutupad ang round-robin format kung saan ang dalawang mangungunang koponan ang papasok sa championship round.

Kaya naman asahan ang pukpukang labanan sa oras na umarangkada ang semis game ng High Speed Hitters at Lady Troopers.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with