^

PM Sports

Dugo’t pawis ang pundasyon ng Lady Bulldogs sa korona

Chris Co - Pang-masa
Dugo�t pawis ang pundasyon ng Lady Bulldogs sa korona
Isa sa naging susi sa pa­nalo ng NU si outside hitter Mhicaela Belen na nagwagi ng 3 awards tampok ang MVP trophy.

MANILA, Philippines — Matamis na natuldukan ng National University ang anim na dekada nitong paghihintay para masungkit ang kam­peo­nato sa UAAP women’s volleyball.

Itinarak ng Lady Bulldogs ang impresibong 16-0 sweep para sakmalin ang ikatlong korona nito sa liga — ang unang titulo sapul noong 1957.

Matikas na pinatumba ng NU ang De La Salle University, 2-0, sa best-of-three championship series.

Ngunit hindi ito na­ging madali para sa Lady Bulldogs.

Kaya’t hindi maitago ang saya ng buong NU squad matapos ang dugo’t pawis na ibinuhos nito para maabot ang inaasam na tagumpay.

Sipag at tiyaga kasabay ng malalim na paniniwalang kakayanin ito ang naging sandata ng Lady Bulldogs sa laban.

Sa katunayan, bago pa man magsimula ang Sea­son 84, nararamdaman na ni team captain Princess Robles na kaya ng kanilang tropa na ma-sweep ang torneo.

“Nung una palang ka­mi nag-start, naisip na namin ni Jennifer (Nierva) and ni Ivy (Lacsina na kaya namin mag-sweep nga­yong season,” ani Rob­les na siyang itinanghal na Finals MVP.

Subalit alam nito na hindi ito magiging madali.

Kaya naman one ga­me at a time ang naging entrada ng NU.

Maliban kay Robles, pangunahing sinandalan ng Lady Bulldogs si outside hitter Mhicaela Belen na humakot ng Rookie of the Year, Most Valuable Player at First Best Outside Hitter awards.

Nariyan pa si Best Opposite Hitter Alyssa Solomon, Second Best Middle Blocker Sheena Toring, Best Setter Camilla La­mina, Best Libero Jen Nierva at middle blocker Ivy Lacsina.

 

vuukle comment

LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with