^

PM Sports

Blue Eagles tatapusin na ang kamalasan vs Lady Tamaraws

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang gagawa ng paraan ang defending champions Ateneo Blue Eagles upang tuldukan ang kanilang kamalasan sa nagaganap na UAAP Season 84 women’s volleyball tournament.

Bokya pa rin sa pa­nalo ang Blue Eagles ma­­tapos malasap ang ikatlong sunod na kabiguan nang dagitin sila ng Adamson University Lady Falcons, 25-23, 19-25, 15-25, 12-25 noong Martes.

Susubukan muli ng Ateneo na sandalan si Faith Nisperos sa pagharap nila sa Far Eastern University Lady Tamaraws ngayong alas-12 ng tanghali sa SM Mall of Asia Arena.

Si Nisperos ang namuno sa opensa para sa Blue Eagles matapos ilista ang 16 puntos, 14 na kills at tig-isang service ace at block sa kanilang talo sa Adamson.

Tiyak naman na hindi magiging madali para sa Ateneo na masilo ang unang panalo dahil target ng Lady Tams na suwagin ang pangalawang sunod na panalo.

Tangan ng FEU ang 1-2 record.

Samantala, magpapa­luan ang UE at Natio­nal University Lady Bull­dogs sa alas-10 ng umaga, magkatapat ang A­damson at  University of the Philippines Figh­­ting Maroons sa alas-4 ng hapon habang magtitipan ang De La Salle University Lady Spi­­kers at University of santo Tomas Golden Tigresses sa alas-6 ng gabi.

 

vuukle comment

LADY TAMARAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with