^

PM Sports

Alapag suportado si Sotto

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Alapag suportado si Sotto
Kai Sotto.

MANILA, Philippines — Katulad ng buong sambayanan pati na ang ibang Pilipino sa bawat sulok ng mundo, buo ang suporta at ti­wala ni coach Jimmy Alapag sa misyon ni Kai Sotto na maging kauna-unahang Filipino homegrown player sa NBA.

Kasalukuyang assistant coach si Alapag ng Stockton Kings sa NBA G League at umaasang makakasama na rin ang 7-foot-3 Filipino sensation na sa NBA umbrella.

“I’m very excited for Kai and this next chapter of his basketball career. There’s nothing like wor­king toward an opportunity to compete against the best in the world,” ani Alapag, miyem­bro ng PBA 40 Grea­test Pla­yers at long-time team captain ng Gilas Pilipi­nas.

Noong nakaraang taon ay umukit ng sariling ka­say­sayan si Alapag nang ma­pasama sa coaching staff ni Bobby Jackson sa affiliate team ng Sacramento Kings sa G League matapos ang kanyang kontribusyon sa 2022 NBA Summer League championship ng koponan.

Ngayon ay posibleng may isa na namang Filipino pride na makakatapak sa NBA world sa katauhan ni Sotto.

“I wish him nothing but the best in the coming weeks leading up to the NBA Draft,” dagdag ni Alapag.

Nagdeklara si Sotto no­ong nakaraang linggo ng kan­yang pagsali sa 2022 NBA Rookie Draft matapos ang impresibong internatio­nal pro league debut sa Australia National Basketball League (NBL) para sa Ade­laide 36ers.

Sa kabila ng limitadong playing time ay nagrehistro si Sotto ng mga averages na 7.52 points, 4.48 rebounds at 0.7 block sa 22 laro.

Posibleng sundan ni Sotto sa NBA sina Fil-Ams Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Jalen Green ng Houston Rockets.

 

 

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with