^

PM Sports

Bagong dinastiya, bagong mukha ng Ginebra

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Tuwang-tuwa na naman ang buong Barangay sa pagkapanalo ng Ginebra sa katatapos lang na PBA Governors’ Cup noong Biyernes.

Siyempre, ilang araw ‘yan na ang laman ng hun­tahan ang Ginebra.

Sinasabing nakapagtayo na ng dinastiya ang Gin Kings sa PBA dahil sa kanilang apat na Governors’ Cup title, isang Commissioner’s Cup crown at Phi­lippine Cup bubble win sapul noong 2016.

Madami-dami na ring titulo pero konti pa para maging legit na tawaging dynasty dahil kailangang sunud-sunod talaga ang panalo para masabing dynasty.

Sinasabi ring may bagong mukha na ang Ginebra sa katauhan ni Scottie Thompson.

Nakasemento na sa Ginebra ang mukha ng living-legend na si Robert Jaworski. Tapos naririyan sina Bal David at Mark Caguioa.

Tapos ngayon, si Scottie na ang sinasabing bagong mukha ng Ginebra matapos mapa­nalunan ang Finals MVP at Best Player of the Conference.

Bagong mukha, ba­­gong dynasty, ang hindi nagbabago ay ang ‘never-say-die spirit’ ng Ginebra.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with