^

PM Sports

Ratsada ang Appmasters

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Patuloy na dominante ang koponang Limitless App – binubuo nina Brandon Rosser, Jorey Napoles, Marvin Hayes at Reymar Caduyac – sa PBA 3x3.

Humugot sila ng karagdagang karangalan nang ma­panalunan ang Leg 5 ng PBA 3x3 Second Confe­rence noong nakaraang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Magandang paramdam ito para sa koponang naka­takdang itayo ang bandila ng bansa sa parating na 3x3 competition sa 2022 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Dahil kampeon ng PBA 3x3 First Conference, sina Rosser, Napoles, Hayes at Caduyac ang naatasan na ide­­pensa ang titulong nakamit nina CJ Perez, Chris Newsome, Mo Tautuaa at Jason Perkins sa inaugural SEAG 3x3 basketball noong 2019 Manila edition.

Patuloy ang ratsada ng Appmasters sa PBA 3x3 Se­cond Conference.

At tiwala ang SBP lea­dership, idederetso nila ang kanilang dominant run hanggang sa Hanoi Games.

Malaki ang tulong ng PBA 3x3 sa paghahasa at pag­papalawig ng three-a-side basketball sa bansa.

Magkasanib ang SBP at PBA sa hangarin na ma-develop nang husto ang mga Pinoy sa 3x3 bas­­ketball at marating ang Olympics competition sa 2024 Paris Games.

Bago ito, ang imme­diate goal eh, ang double-gold sa SEA Games.

Malamang na walang lig­wak ang gold sa 5-on-5 basketball dahil mga PBA superstars at talented Gilas youth ang isasabak ni coach Chot Reyes.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with