^

PM Sports

Cebu Chooks sibak sa FIBA 3x3 Dubai Expo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumalag ang Cebu Chooks subalit kinapos din sa dulo at napatalsik sa 2022 FIBA 3x3 Dubai Expo Super Quest kahapon sa Expo Sports Arena sa Dubai.

Matapos ang malaking panalo kontra sa Chicago ng USA, nakipagsabayan ang Philippine club sa World No. 2 Antwerp ng Belgium bago tumirik sa 12-19 kabiguan.

Tig-tatlong puntos ang inilista nina Mac Tallo, Zach Huang, Brandon Ramirez at Mike Nzeusseu sa dikit na kabiguan at bigong makaabante sa semis hawak ang 1-2 kartada.

Kinapos din ang Cebu Chooks sa World No. 4 na Riga ng Latvia, 21-17, bago silatin ang Chicago, 21-15, sa likod ng 10 markers ni Tallo.

Kagaya ng Cebu Chooks ay sibak din ang Chi­cago (0-3)  habang uma­­bante sa Final Four ang Riga (3-0) at Antwerp (2-1) na binabanderahan ng ilang top 3x3 players sa mundo.

Dahil sa impresibong kam­panya, nagtapos sa ika­­anim na puwesto ang Cebu Chooks sa unahan ng kulelat na Lausanne (0-3) at Chicago (0-3), ayon sa pagkakasunod, sa 8-team Dubai tourney.

Nasa ikalimang puwesto ang San Juan ng Puerto Rico habang makakaharap ng Riga at Antwerp sa semis ang Liman ng Serbia at Warsaw ng Poland.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with