^

PM Sports

FIBA-Asia Cup sa Hulyo 12-24

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang 2022 FIBA Asia Cup sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Indonesia matapos ang pagkaantala nito ngayong taon bunsod ng pandemya.

Noong Agosto sana gaganapin ang FIBA Asia Cup subalit naurong sa susunod na taon na iho-host pa rin ng Jakarta tampok ang 16 koponan kasama ang Gilas Pilipinas.

Gilas ang isa sa unang nakapasok sa Asia Cup matapos walisin ang Group A ng Asia Cup Qualifiers nitong taon na ginanap sa Clark, Pampanga.

Swak din sa prestihiyosong Asian tilt ang reigning champion Australia, Iran, China, Japan, South Korea, New Zealand, Lebanon, Bahrain, Jordan, Syria, Saudi Arabia, Kazakhstan at India matapos ding manguna sa kanilang mga grupo.

Bilang host ay kasali rin ang Indonesia habang nakasabit ang Chinese Taipei matapos magwagi sa wildcard ng third-place teams.

Hahatiin sa apat na grupo sa darating na official draw sa Disyembre 8 ang 16 na koponan.

Susubok ang Gilas na makabawi sa edisyong ito ng Asia Cup matapos magkasya sa ikapitong puwesto lang noong 2017 na ginanap sa Lebanon.

Isa lamang ang Asia Cup sa siksik na iskedyul ng Gilas sa susunod na taon tampok ang Southeast Asian Games, Asian Games at FIBA World Cup Asian Qualifiers.

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with