^

PM Sports

Mike Plania may laban din sa Nobyembre 20 sa Miami

Chris Co - Pang-masa
Mike Plania may laban din sa Nobyembre 20 sa Miami
Mike Plania.

MANILA, Philippines — Isa na namang Pinoy pug ang sasalang sa ibabaw ng ring sa ngalan ni Mike Plania na sasagupa kay Ricardo Nunez ng Panama sa Nobyembre 20 (Nobyembre 21 sa Maynila) sa Manuel Artime Community Center Theater sa Miami, Florida.

Target ni Plania na maitarak ang impresibong panalo dahil ito ang magbubukas sa kanyang pintuan para sa mas malalaking laban partikular na ang isang world title fight.

“Excited na akong lumaban dito. Kailangan kong makuha ‘yung panalo dahil ito ‘yung magdadala sa akin sa posibleng world title fight,” ani Plania.

Dahil dito, todo kayod na si Plania para matiyak na matalim ang armas na gagamitin nito sa Panamanian pug.

Pukpukan na sa ensayo si Plania na sumasailalim sa kaliwa’t kanang sparring sessions.

Bantay-sarado na rin ang diet nito upang matiyak na nasa tamang timbang ito bago ang official weigh- in isang araw bago ang laban.

Nais ni Plania na masundan ang kanyang majority decision win kay dating World Boxing Organization (WBO) NABO bantamweight champion Joshua Greer noong Hunyo 16, 2020 sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas, Nevada.

Galing sa dalawang taon na pahinga at anim na sunud-sunod na kabiguan si Nunez.

vuukle comment

MIKE PLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with