Inaabangang desisyon ng Vietnam sa SEAG hosting, malalaman na
MANILA, Philippines — Malalaman sa Lunes kung kailan itatakda ng host Vietnam ang 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon.
Isang pulong ang iniskedyul ng SEA Games Federation kung saan inaasahang ihahayag ng Vietnam ang petsa at mga gagawin nilang paghahanda para sa biennial event.
Nagpasya ang pederasyon na iurong ang SEA Games, orihinal na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, 2021, mula na rin sa request ng Vietnam dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa. Posibleng itakda ng Vietnam ang 2022 SEA Games sa Mayo.
“Due to the impact of the COVID-19 pandemic, the Vietnamese Government allowed postponement of the 31st SEA Games to 2022,” wika ni National Sports Admi-nistration (NSA) deputy director Tran Duc Phan. “However, at present, the pandemic is still very complicated in many provinces and cities across the country. This greatly affects our preparation process for the event,” dagdag nito.
Isang online meeting sa Oktubre 18 ang itinakda ng Vietnam SEAG Organizing Committee para malaman ang bilang ng mga atleta at miyembro ng de-legasyon ng 10 pang bansang sasali sa 2022 SEA Games.
- Latest